Walk-in Application
Ang prosesong ito ay para sa mga aplikante na bumisita ng branch upang mag-apply bilang miyembro.
- I-fill out ang Application Form.
- Dumalo sa Pre-Membership Education Seminar (PMES) upang makakuha ng PMES Certificate. (Tingnan ang PMES Schedule)
- Kumpletuhin ang iba pang mga requirements.
- Ipasa sa pinaka-malapit na opisina ng GSAC ang mga requirements..
- Maghintay ng update galing sa opisina ng GSAC kung approved o disapproved ang aplikasyon sa pagiging member.
- Kung approved ang aplikasyon, magbayad ng nakatalang babayaran. (Tingnan ang Payment)
- Ang passbook para sa Loan at Savings account ay ibibigay para sa mga rehistradong Regular Member.
- Ang passbook naman para sa Savings account ay ibibigay para sa mga rehistradong Associate Member.
Online Application
- Ang prosesong ito ay para sa mga aplikante na nag-apply sa pagbibisita ng GSAC website.
- Ihanda ang mga kakailanganin dokumento/requirement para sa pag-miyembro.
- I-fill out ang online application form sa website
- Dumalo sa Pre-Membership Education Seminar (PMES) upang makakuha ng PMES Certificate. (Tingnan ang PMES Schedule)
- Maghintay ng update galing sa opisina ng GSAC kung approved o disapproved ang aplikasyon sa pagiging member.
- Kung approved ang aplikasyon, magbayad ng nakatalang babayaran. (Tingnan ang Payment)
- Ang passbook para sa Loan at Savings account ay ibibigay para sa mga rehistradong Regular Member.
- Ang passbook naman para sa Savings account ay ibibigay para sa mga rehistradong Associate Member.
Saan makikita ang Online Membership Application Form?
gsac.coop > Membership and Online Forms > Membership Forms