Pag-Withdraw ng Membership
Ang kooperatiba ay sumusunod sa isang pormal na pamamaraan upang matiyak na ang lahat ng obligasyong pinansyal ay naayos bago opisyal na mapayagan ang pag-alis ng isang kasapi.
- Pagpapahayag ng Intensyon: Nagsisimula ang proseso kapag nagpahayag ang member ng kanyang intensyong umalis sa pamamagitan ng isang liham at pagsumite ng Membership Withdrawal Form.
- Bailidasyon at Panayam: Iveverify pa ng isang Information and New Accounts Associate ang kahilingan at magsasagawa ng panayam upang malaman ang dahilan ng pag-alis. Sa phase na ito, maaaring mag-alok ang kooperatiba ng mga opsyon upang manatili pa rin ang kasapi.
- Balanse: Kukwentahin ng staff ang huling balanse ng kasapi, kabilang ang lahat ng deposito, mga hindi pa bayad na pautang (loans), at mga kaukulang bayarin.
- Huling Panayam (Exit Interview): Isang huling panayam ang isasagawa ng Branch Manager o ng isang itinalagang opisyal upang suriin ang naging performance ng kasapi at matiyak na tama ang pagproseso ng pag-alis.
- Pormal na Pag-apruba: Ang pag-alis ay irerekomenda para sa pag-apruba ng Branch Manager at ipapadala sa Membership Development Office (MDO). Pagkatapos nito, ang Board of Directors (BOD) ang magpapatibay ng pormal na pag-apruba sa pamamagitan ng isang Board Resolution.
- Pagsasara ng Account: Kapag naaprubahan na, aabisuhan ang kasapi sa pamamagitan ng SMS. Kinakailangang isuko ng kasapi ang kanyang passbook upang makuha ang natitirang pera, at ang account ay tuluyan nang isasara sa system.
Related Articles
Mga Requirements sa Pag-Withdraw
Upang makawithdraw sa Special Savings Account, kailangang magbigay ng proof of expenses o supporting documents ang miyembro. Dapat iyo ay naaayon sa paggagamitan ng Special Savings. Ang mga sumusunod ay ang mga dokumento/kondisyon na kailangan: ...
Withdrawal sa Loob ng Dalawang (2) Taon na Holding Period
Maari bang makapag-withdraw sa Special Savings sa loob ng Holding Period? Maari naman magwithdraw sa Special Savings ngunit kapag nasa loob pa ng holding period (2 years) ang sumusunod na interes ay mag-aapply depende sa layunin o paggagamitan ng ...
Uri ng Membership sa Kooperatiba
Ang GSAC may dalawang uri ng membership ito ay ang Regular at Associate Membership. Regular Members Ang isang Regular Member ay isang member na nakompleto ang lahat ng requirements. Sila ay may karapatan sa mga benepisyo ng pagiging miyembro. Sila ay ...
[Photo] Proseso ng Pagmember
Ito ang proseso ng pag-member:
Naka fill-out na ng online memebrship application form ano na ang susunod?
Maraming salamat sa pag-pasa ng online membership! Hintayin lamang po ang verification call mula sa aming authorized GSAC staff. --- Thank you very much for submitting your online membership! Please wait for a verification call from our authorized ...