Mga Requirements sa Pag-Withdraw
Upang makawithdraw sa Special Savings Account, kailangang magbigay ng proof of expenses o supporting documents ang miyembro. Dapat iyo ay naaayon sa paggagamitan ng Special Savings.
Ang mga sumusunod ay ang mga dokumento/kondisyon na kailangan:
Education
Kung ang Special Savings Account ay nakatala para sa Education ng member at ng beneficiary nito, ito ang mga kinakailangang maipakitang patunay na gagamitin ang Special Savings sa edukasyon:
Matriculation form
Canvass form para sa books/school supplies
Billing Statement issued ng eskwelehan
Iba pang mga dokumentong pwedeng proof na gagamitin sa edukasyon. Ito ay iaassess ng Branch Manager kung katanggap tangap o importante.
Health
Kung ang Special Savings Account naman ay nakatala para sa pangkalusugan o health ng miyembro at ng beneficiary nito, ito ang mga kinakailangang maipakitang patunay na ang Special Savings ay gagamitin para sa pangkalusugan:
Statement ng running bill sa hospital
Prescription ng physician
Iba pang mga dokumentong pwedeng proof na gagamitin sa pangkalusugan. Ito ay iaassess ng Branch Manager kung katanggap tanggap o importante.
Housing
Kung ang Special Savings Account naman ay nakatala para sa pagpapaayos ng bahay/pabahay ng miyembro, ito ang mga kinakailangang maipakitang patunay na ang Special Savings ay akma sa layunin ng savings:
(Php 100,000 & below) Bill of Quantity o estimated construction expenses na inihanda ng foreman/engineer/archt.
(Php 100,001 & above) Bill of Quantity o estimated construction expenses na inihanda ng engineer/archt.
(Php 100,001 & above) Building permit ng construction
Contract ng miyembro at engineer/architect/foreman na nakalagay ang detalye ng construction at ang pangalan ng engineer/architect/foreman na mangangasiwa.
Iba pang mga dokumentong pwedeng proof na gagamitin sa pagpapabahay/pagpapaayos ng bahay. Ito ay iaassess ng Branch Manager kung katanggap tanggap o importante.
Retirement
Maituturing lamang na retirement ang purpose base sa mga sumusunod na kondisyon:
65 years old or more na may retention period na 2 years
Employed: 35 years in service — pinapatunayan ng Certificate of Employment
Self-Employed: 35 years bilang self-employed — pinapatunayan ng initial o first business registration.
Uniformed Personnel: 25 years in service
Lahat ng dokumento ay dapat may kalakip na official receipt/sales invoice na magpapatunay nang paggagamitan ng Special Savings.
Anumang pagwiwithdraw para sa iba pang layunin, ang magaapply na interest rate ay 2% - 2.25% simula sa araw ng pagtatapos ng 2-year holding period hanggang araw ng withdrawal.
Related Articles
Special Savings at Kwalipikasyon
Ano ang Special Savings? Ang GSAC ay hindi lamang nagpapa-utang kundi ito ay may sari't saring Savings products at isa dito ay ang Special Savings. Ang Special Savings ay isang uri ng savings deposit na inaalok ng GSAC upang matugunan ang mga ...
Withdrawal sa Loob ng Dalawang (2) Taon na Holding Period
Maari bang makapag-withdraw sa Special Savings sa loob ng Holding Period? Maari naman magwithdraw sa Special Savings ngunit kapag nasa loob pa ng holding period (2 years) ang sumusunod na interes ay mag-aapply depende sa layunin o paggagamitan ng ...
FAQs: Special Savings
Pwede bang i-reimburse na lang ang mga nagastos sa housing/education/health? Opo. Pinapayagan ang pag-reimburse sa kondisyon na ang mga supporting documents ay isusubmit at ang petsa ay hindi dapat higit sa 3 months mula sa araw ng reimbursement. ...
Special Savings Deposit Requirements
Kailangang i-Deposito (Deposit Requirements) Upang makapagbukas ng Special Savings, kailangang magdeposito ng sumusunod: Unang hulog/Initial Deposit Php 1,000 Deposit Pledge Option 1 Php 500 (monthly) Deposit Pledge Option 2 Php 6,000 (yearly) ...
Requirements sa Pag-Member
Sino ang maaring maging member ng GSAC? Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng maaring maging member ng kooperatiba: Natural person Legal Age (18 years old pataas) Filipino May kakayahang pumasok sa kontrata o makipagkontrata. Ano ang mga ...