Time Deposit: General Concept
Ang Time Deposit ay isang uri ng special savings account kung saan ang iyong pera ay itatago sa coop sa loob ng isang itinakdang panahon (fixed term) kapalit ng mas mataas na interes o tubo kumpara sa regular na savings account.
TIME DEPOSIT VS. REGULAR SAVINGS
Ang Time Deposit ay may fixed term na kailangan sundin upang makuha ang nakatakdang interes ng buo.
Ang Regular Savings ay isang uri ng savings account na hindi kailangan ng fixed term bago makapag-withdraw. Ito ay flexible, kaya maaaring mag-withdraw kahit kailan basta’t hindi lang sumobra sa withholding amount.
MGA PANGUNAHING KATANGIAN
O Hindi Pwedeng Galawin Agad: Kapag naglagay ka ng pera sa Time Deposit, pumapayag ka na hindi mo ito iwi-withdraw sa loob ng napag-usapang oras (halimbawa: 30 araw, 6 na buwan, o 1 taon).
O Mas Malaki ang Kita (Interest): Dahil nangako ka na hindi mo gagalawin ang pera, bibigyan ka ng coop ng mas mataas na interest rate. Ibig sabihin, mas mabilis lumaki ang pera mo dito kaysa sa regular savings.
O May Penalty Kapag Kinuha ng Maaga: Kung sakaling kailanganin mo ang pera at i-withdraw mo ito bago matapos ang itinakdang panahon (maturity date), maaaring mabawasan ang kikitain mong interes.
O Certificate of Time Deposit: Karaniwang binibigay ka na sertipiko bilang katibayan ng iyong time deposit account, sa halip na passbook o ATM card.
MGA MADALAS NA GINAGAMIT NA TERMINOLOHIYA
O Pre-termination: Ito ay ang maagang pag-withdraw ng time deposit na hindi pa natatapos ang maturity date/term
O Roll-over: Ito ay ang pag-extend ng time deposit para sa isa pang panibagong maturity date/term
Related Articles
Time Deposit: Mga Proseso
PROSESO SA PAG-BUKAS NG TIME DEPOSIT ACCOUNT Kumuha ng application form para sa time deposit at siguraduhin na makumpleto ito. Maliban sa application form, i-handa rin ang mga requirements: valid id, 1x1 picture, at deposit slip. Magtungo sa ...
Time Deposit: Interest Rate
PAANO MACOMPUTE ANG INTEREST: Amount x Term x Interest Rate / 365 Example: 10,000 x 2.50% x 30 / 365 = 20.55 per month Ang interest ng time deposit ay pwedeng ipa-deposito sa kanyang regular savings, i-withdraw ang interest lamang, o kaya ay isabay ...
Time Deposit: Requirements
Para sa mga Regular Members at Associate Members na may existing Savings Account Duly accomplished application form for Time Deposit 1pc, 1x1 picture Filled out deposit slip Para sa mga hindi pa miyembro Duly accomplished application form for Time ...
Pano ako maka-avail ning time deposit? Pwede tabi ang below 18?
Good day! Ang time deposit ay may age requirement na 18 years pataas. Kung ikaw ay below 18 years old, maaari pa ding mag-avail ng mga savings products na Aflatoun o Youth Savers Club. --- Good day! Time deposits have an age requirement of 18 years ...
FAQs: Time Deposit
Ano po ang edad na pwede magbukas ng Time Deposit? Ang edad na 18 pataas ay maaari na magbukas ng Time Deposit. Pwede ba na maging joint-account ang Time Deposit? Opo, pwede. Dapat lamang na ang ka-joint sa account ay may edad na 18 pataas. Kailangan ...