Iba pang klasipikasyon ng Associate Member

Iba pang klasipikasyon ng Associate Member

Info
Upang mas ma-segment ng maayos ni GSAC ang mga Associate Members na may iba-ibang layunin sa pagiging miyembro ng kooperatiba, mayroong iba pang klasipikasyon ang isang Associate Member.

JOINT ACCOUNT ASSOCIATE MEMBER

Ito ay isang Associate Member account na binubuo ng dalawang indibidwal. Ang account holders ay maaaring Regular Members o Associate Members na nais magkaroon ng hiwalay na account mula sa kanilang sariling accounts. Maaari din na ang account holders ay binubuo ng isang minor at legal age na indibidwal. 

Kapag isang organisasyon o kompanya ang magbubukas ng account sa koop, sila ay pinapabukas ng Joint Account na ang nakapangalan ay ang PRESIDENT at TREASURER o kung sino man ang i-appoint ng kanilang organisasyon. Kailangan lamang maiprisenta ang mga sumusunod na dokumento: 

  1. 1 valid ID ng bawat representatives 
  2. 2 pcs 1x1 ID picture 
  3. Signed Resolution of the organization appointing the representatives to open an account in GSAC
  4. iba pang dokumento na maaaring hingin gaya ng Certificate of Registration, etc. 
Notes
Note
Ang mga Joint Account ay may dalawang joint conditions: “AND” at “OR”. Sa “AND” joint condition, kailangan ang pirma ng dalawang account holders kung sila ay magbabawas ng pera sa kanila account, habang ang “OR” joint condition ay ang kasalungat nito. Kahit isa lamang na pirma mula sa  account holders ay tinatanggap na para makabawas ng pera sa kanilang account. 

Ang Joint Account para sa isang organisasyon ay awtomatikong “AND” ang joint conditions. Ibig sabihin hindi mapoproseso ang pag-withdraw sa kanilang account kung wala ang pirma ng dalawang representatives. Para sa ibang Joint Account na hindi para sa organisasyon, maaari silang pumili sa dalawang joint conditions. 

AFLATOUN & YOUTH SAVER ACCOUNTS 

  1. Ito ay ang classification ng mga savers na ang edad ay 17 pababa. 
  2. Ang Aflatoun savers ay may partnership sa Department of Education. Ang bawat mag-aaral na maaring sumali ay dapat nasa edad na 3-17. 
  3. Ang Youth Savers ay para sa mga kabataan na ang edad ay 0-17. 
  4. Kinakailangan ang pirma/detalye ng magulang o legal guardian para makabukas ng account sa alin mang account para sa minor individuals. 

    • Related Articles

    • Uri ng Membership sa Kooperatiba

      Ang GSAC may dalawang uri ng membership ito ay ang Regular at Associate Membership. Regular Members Ang isang Regular Member ay isang member na nakompleto ang lahat ng requirements. Sila ay may karapatan sa mga benepisyo ng pagiging miyembro. Sila ay ...
    • How to transfer account from Aflatoun to Regular Member because member reaches the legal each of 18?

      Para ilipat ang Aflatoun account sa Regular Member kapag tumungtong na sa edad na 18, kailangang um-attend ng Pre-Membership Seminar at bayaran ang mga sumusunod: - Share Capital: Php 4,000 (full subscription) or Php 2,000 (partial subscription *must ...
    • Ano ang requirements for Aflatoun and YSC membership?

      Para makapagbukas ng account for Aflatoun or Youth Savers Club, narito ang mga requirements: 1 Photocopy of birth certificate 1 Photocopy of school id (if available) 2 pcs 1x1 id pictures 1 accomplished form (ito ay available sa branches o kaya ...
    • Pag-Withdraw ng Membership

      Ang kooperatiba ay sumusunod sa isang pormal na pamamaraan upang matiyak na ang lahat ng obligasyong pinansyal ay naayos bago opisyal na mapayagan ang pag-alis ng isang kasapi. Pagpapahayag ng Intensyon: Nagsisimula ang proseso kapag nagpahayag ang ...
    • Pano mag transfer from aflatoun to associate or regular?

      Pwede na po ipalipat sa associate or regular kung ang edad ay 18 years old pataas na. Kung nais mag-regular member kailangan lang po mag-attend ng Pre-membership seminar, mag-accomplish ng membership form at ma-deposito ng karagdagang Php 4,000 (full ...